LUBOG | Malaking bahagi ng North Carolina, lubog sa baha dahil sa pananalasa ni Hurricane Florence

192

Lubog ngayon sa baha ang malaking bahagi ng North Carolina dahil sa pananalasa ng hurricane Florence.

Ayon sa National Hurricane Center, mas dumoble pa ang lakas ng hangin at lumawak pa ang nasasakupan nito na mayroong 15,000 square miles na mas malaki kung pagsasamahin Massachusetts, Connecticut at Rhode Islands.

Bagamat nasa category 2 na ang Hurricane Florence ay inaasahan pa rin ang storm surge,malawakang pagbaha at ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Umabot na rin sa 6,700 na mga residente ang nagtungo sa Red Cross Community shelters sa North Carolina, South Carolina at Virginia.

Facebook Comments