Monday, July 20, 2026

Lubos na suporta sa emergency response at recovery efforts sa mga lugar na tinamaan ng lindol, tiniyak ng liderato ng Kamara

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang buong suporta sa emergency response at recovery efforts sa mga komunidad na tinamaan ng lindol.

Ayon kay Dy, tutukan ng Kamara ang mga hakbang at panukalang batas na layuning maibigay agad ang tulong na kailangan ng mga pamilya, lokal na pamahalaan at sektor na apektado ng kalamidad.

Diin ni Dy, mahalaga ang kaligtasan ng bawat Pilipino at ang agarang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

Hinggil dito ay nagpasalamat si Dy sa mabilis na pagpapakilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno para magsagawa ng relief and response operations.

Panawagan ni Dy sa mga government agencies, mga lokal na pamahalaan gayundin sa mga emergency responders, volunteers at mga lider ng komunidad na gawing mahigpit ang kanilang koordinasyon sa pagbibigay ng tulong at tiyaking ligtas o nasa maayos na sitwasyon ang ating mga apektadong kababayan.

Facebook Comments