Lugar na nasa ilalim sa public storm warning signal number 1 dahil sa bagyong Odette, nadagdagan pa

281

Manila, Philippines – Sa update mula sa PAGASA, sakop na ng storm warning signal number 1 ang Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Napanatili naman ng bagyo ang taglay nitong lakas ng hangin na aabot sa 55 kph at pagbugsong aabot sa 65 kph.

Bumilis ang bagyo at kumikilos na ngayon sa direksyo ng pakanluran sa bilis na 30 kph.

Bago tumama sa kalupaan ng Cagayan o Isabela mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw ay maaring lumakas pa bilang tropical storm ang bagyo.

Facebook Comments