Lugar sa NCR na isinailalim sa granular lockdown, 71 nalang

22

Nabawasan pa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), command center mula sa bilang na 82 kamakalawa, 71 na lamang ang mga naka-lockdown na lugar sa NCR kahapon.

Sa bilang ng mga naka-lockdown, 34 ang bahay, 1 ang residential building floor, 20 ang residential building, at 11 ang subdivision.


Ang mga ito ay mula sa 46 barangay sa 6 lungsod at munisipyo sa NCR.

Naka-deploy pa rin ang 194 pulis at 187 force multipliers para masiguro na nasusunod ng mga residente ng minimum public health safety standards sa harap pa rin ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments