Luis Manzano, ikinatuwa ang naging pahayag ng ina ni Jessy Mendiola hinggil sa isyu ng kanilang pagpapakasal

312

Showbiz – Sang-ayon si Luis Manzano sa naging pahayag ng ina ni Jessy Mendiola na si Didith Garvida hinggil sa isyu ng pagpapakasal.
Marami kasi ang nagulat sa mga sinabi ni mother Didith nung na-interview ito kung saan boto raw siya kay Luis para sa anak, pero hindi raw siya kumbinsidong dapat nang magpakasal agad ang dalawa.
Naniniwala kasi si Mrs. Garvida na panghabambuhay na commitment ang kasal, bukod pa sa nararapat lang daw na higit kilalanin nina Luis at Jessy ang isa’t isa.
Hindi naman masama ang loob ni Luis sa halip masaya siya at naiintindihan sila ng kani-kanilang magulang.
Nang tanungin naman kung ilang taon pa ang hihintayin nila bago sila magpakasal ni Jessy, hindi pa rin makapagbigay ng definite date si Luis.

Facebook Comments