Umabot na sa dalawampu ang bilang ng mga lumabag sa lalawigan ng Pangasinan sa umiiral na Gun Ban simula ng mag-umpisa ang Election Period.
Ayon sa datos ng Pangasinan Police Provincial Office, mula January 12 hanggang sa katapusan ng naturang buwan nahuli ang mga naturang gun ban violators.
Karamihan umano sa mga ito ay nahuli sa pamamagitan ng mga isinasagawang checkpoint ng kapulisan.
Haharap ang mga ito sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act bilang umiiral ang COMELEC gun ban.
Nauna nang nagbigay ng babala ang kapulisan patungkol sa mahigpit nilang pagbabantay ngayong election period lalo sa usapin ng gun ban kaya naman panghihikayat ng mga ito na iparehistro ang mga baril nang maiwasan na maharap sa karampatang parusa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨