LUMIPAT SA BANSA | ISIS, tuloy ang recruitment sa Pilipinas

56

Manila, Philippines – Patuloy ang recruitment activities ng Islamic State sa Pilipinas.

Ito ang ibinulgar ni Irfan Saeed, Director ng US-Department of State’s Office Of Countering Violent Extremism matapos na talunin ng Amerika ang ISIS sa Iraq at Syria.

Ayon kay Saeed – lumipat na ngayon sa Pilipinas ang ISIS lalo na’t itinuturing nilang ligtas para sa kanila ang nasabing bansa.

Tiniyak naman nito na patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay sa maaring bagong lugar na pinagtataguan ng mga teroristang grupo.

Facebook Comments