Lungsod ng Makati, muling nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19

20

Inihayag ng Makati City Health Department (MHD) na mayroong 19 na bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 11,214 ngayong araw.

Nakapagtala din ng 30 bagong gumaling sa naturang sakit, kaya naman tumaas din ang kabuuang bilang nito sa 10,543.


Nabawasan din ng 12 ang bilang active cases sa lungsod, dahilan para bumaba ang kabuuang bilang nito ngayong araw sa 261.

Pero isa naman ang nasawi kahapon ng dulot ng COVID-19 sa lungsod, sa ngayon nasa 410 ang kabuuang bilang nito.

Batay sa tala ng MHD, ang bagong nasawi ay mula sa Barangay Dasmariñas, lungsod ng Makati, kung saan ito na ang ikatlong pasyente ng COVID-19 na nasawi sa nasabing barangay.

Facebook Comments