Lungsod ng Mandaluyong, may 22 bagong kaso ng COVID-19

21

Muling nakapagtala ng 22 bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Mandaluyong sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng Health Department ng lungsod.


Kaya naman ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ay pumalo na sa 5,882.

Mula sa nasabing bilang, 5,578 dito ay mga gumaling na matapos madagdagan ng 25 bagong recoveries.

Nananatili naman sa 183 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng virus.

Ang natitirang 121 mula sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng naturang sakit ay mga active case na nananatili sa mga quarantine facility ng lungsod.




Facebook Comments