Lungsod ng Mandaluyong, may 30 bagong kaso ng COVID-19

37

Nadagdagan ng 30 bagong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) ang lungsod ng Mandaluyong.


Ito ay batay sa tala ng Health Department ng lungsod kagabi, August 01, 2020.

Dahil dito, umakyat na sa 1,624 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod.

Nananatili naman sa 82 ang bilang ng mga nasawi at nasa 882 ang kabuuang bilang ng recoveries.

Dahil sa mga bagong kaso ng nasabing sakit sa Mandaluyong City, umakyat din sa 660 ang kabuuang bilang ng active cases.

Nananatili pa rin sa 1,158 ang bilang ng suspected cases ng COVID-19 sa lungsod gayudin ang bilang ng probable cases na nasa 268 pa rin.

Facebook Comments