Lungsod ng Mandaluyong, may 49 na bagong kaso ng COVID-19

Karagdagang 49 na bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang naitala kagabi ng Mandaluyong City Health Department.

Ito ang dahilan para umakyat sa 3,052 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 1,985 sa kanila ay gumaling sa nasabing sakit matapos itong madagdagan din kahapon ng 15.


Habang isa ang nasawi kahapon, kaya umabot na ito sa 111.

Dahil dito, bahagyang umakyat sa 956 ang bilang ng active COVID-19 cases sa lungsod.

Subalit, nasa 1,251 ang kabuuang bilang ngayon ng suspected cases at 143 naman ang bilang ng probable case sa lungsod.

Facebook Comments