Lungsod ng Mandaluyong, may dalawang bagong nasawi dahil sa COVID-19

24

Nadagdagan ng dalawa ang bilang ng nasawi sa lungsod ng Mandaluyong na dulot ng COVID-19, dahilan para tumaas ang kabuuang bilang nito sa 200.

Batay sa tala ng Mandaluyong City Health Department, ang mga bagong nasawi ay mula sa Barangay Barangka Drive at Barangay Barangka itaas.


Maliban dito, nadagdagan din ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan umabot na ito sa 6,521.

Mula sa nasabing bilang, 6,207 nito ay mga gumaling na sa naturang sakit, matapos magkaroon naman 12 new recoveries.

Nananatili naman sa 114 ang bilang ng active cases sa lungsod.

Facebook Comments