Lungsod ng Mandaluyong, may dalawang residente na bagong nasawi ng dahil sa COVID-19

26

Muling nadagdagan ng dalawa ang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng Mandaluyong na dulot ng COVID-19 dahilan para umakyat ito sa 177 ngayong araw.

Batay sa tala ng Mandaluyong City Health Department, ang mag bagong nasawi ay mula sa Barangay Barangka, Ilaya at Barangay Wack-Wack.


Nadagdagan din ng 19 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na 24 oras.

Kaya naman umakyat din ang kabuuang bilang nito sa 6,014, habang walo lang ang mga gumaling kahapon sa lungsod, kaya naman bahagyang umakyat sa 5,714 ang kabuuang bilang nito ngayon.

Nasa 123 naman na ang bilang ng active cases sa lungsod.

Facebook Comments