Lungsod ng Maynila, ikatlo sa “most stressful city in the world”

65

Pumangatlo ang lungsod ng Maynila sa “most stressful city in the world” ayon sa VAAY, isang cosmetic product at health supplement based company sa Berlin, Germany.

Batay sa pananaliksik ng VAAY, ikinatergorya sa apat na kriterya ang lungsod base sa kanilang pamahalaan, siyudad, kwalidad, pinansyal at kalusugan ng mga residente.


Nanguna naman sa listahan ang Lagos sa Nigeria at pumangalawa ang Mumbai sa India.

Matatandaang kamakailan lamang ay nasa ika-78 na puwesto ang lungsod ng Maynila sa itinuturing na most expensive cities para sa mga dayuhang manggagawa.

Facebook Comments