Lungsod ng Maynila, nakapagtala ng higit 500 bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang lungsod ng Maynila ng 511 na bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19.

Sa datos na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Maynila, pumalo na sa 52,119 ang kabuuang bilang mga nakarekober sa virus habang nakapagtala naman ng 7 nadagdag sa bilang ng nasawi.

Dahil dito, nasa 1,073 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa lungsod.


Nasa 332 ang naitalang nadagdag sa mga bagong kaso kaya’t nasa 2,895 na ang active cases sa lungsod.

Nangunguna naman ang Sampaloc District na may naitalang mataas na bilang na nasa 605, sinundan ng Tondo District-1 na may 432 at Tondo District-2 na may 315 na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments