Lungsod ng Pasig, may 27 bagong kumpirmadong kaso COVID-19

35

Muling nakapagtala ng 27 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Pasig City Health Department ngayong araw.

Dahilan para tumaas ang kabuuang bilang nito sa 10,070.


Mula sa nasabing bilang, 9,491 dito ang mga gumaling na sa naturang sakit, matapos naman makapagtala ng 24 na new recoveries.

Tumaas din ang bilang ng nasawi sa lungsod mula 402 kahapon, umakyat ito sa 404 ngayong araw.

Habang ang bilang ng active cases sa lungsod ay nasa 175 na mga indibidwal na patuloy nagpapagaling sa kanilang quarantine facility.

Facebook Comments