Lungsod ng San Juan, ipamamahagi ngayong araw ang unclaimed ECQ cash aid

39

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan na pwede pang makuha ang mga unclaimed Enhanced Community Quarantine (ECQ) cash aid na kasama sa ikatlong batch ng pamamahagi nito.

Batay sa kanilang abiso, nahahati sa dalawa ang kanilang pamamahagi ng nasabing ayuda para sa mga unclaimed.

Gaganapin ito alas-8:00 ngayong umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Barangay Bato, Ermitaño, Pasadena, Pedro Crus, at Rivera.


Magpapatuloy ito ala-1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon sa Barangay Batis, Corazon De Jesus, Salapan, San Perfecto, at Progreso.

Nakasaad din sa abiso na mag dala ng dalawang kopya ng photocopy ng valid ID na may tatlong lagda at kapag kinatawan ang pupunta ay mag dala rin ng photocopy ng valid ID na may tatlong lagda rin.

Facebook Comments