Lungsod ng Taguig, may 23 bagong kaso ng COVID-19

12
Photo Courtesy: Taguig City Government

Muling nakapagtala ng 23 bagong kaso ng COVID-19 ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) sa nakalipas na 24 oras.

Dahilan para umakyat sa 11,705 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong araw.


Nasa 23 rin ang bilang ng mga bagong gumaling sa naturang sakit, kaya naman umabot na ang kabuuang bilang nito sa 11,445.

Nananatili pa rin sa bilang na 179 ang mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Habang ang 81 naman ay kasalukuyang bilang ng active cases sa lungsod, na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility nito.

Facebook Comments