Lungsod ng Valenzuela, nagdagdag ng vaccination center para sa mga kabataan

Dinagdagan pa ng Valenzuela City ang vaccination center para sa mga menor de edad.

Ito ay matapos buksan ng lungsod ang WES Events Space sa Brgy. Dalandalan bilang karagdagang vaccination center para sa mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 na magpapabakuna kontra COVID-19.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layon nitong lalo pang mapaigting at mapabilis ang bakunahan sa mga bata.


Bago ito ay sa Valenzuela City Astrodome lang ang venue ng pagbabakuna sa mga kabataan sa lungsod kung saan isinasakay sa libreng shuttle ang mga estudyante mula sa kanilang paaralan para dalhin sa vaccination site.

Nagpaalala naman ang LGU na “by schedule” ang vaccination para sa teenagers at bawal ang walk-in.

Facebook Comments