
Nai-turnover na ng Land Transportation Office (LTO) sa Bureau of Customs (BOC) ang isang dilaw na luxury car na na-impound matapos itong mahuling walang front license plate sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) nitong November 2.
Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao nang kanilang maharang driver ay dito na nila napag-alaman na wala itong dalang lisensya.
Dagdag pa niya na nang kanilang mapasakamay ang naturang sasakyan ay may lumapit sa kanila na siya umano ang may-ari nito at ipinabebenta na niya ito.
Ayon naman kay retired Major Joel Pinawin ng BOC na kanilang isasailalim ang nakumpiskang luxury car sa imbestigasyon kung dumaan ito sa tamang proseso.
Dahil sa mga paglabag, mahaharap ang driver sa mga kaso sa ilalim ng Section 18 at Section 19 ng Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code.









