MAAARING MULING PANUNUMBALIK NG GUN FOR HIRE SA REGION 1 NGAYONG PANAHON NG ELEKSYON, TUTUTUKAN NG PULISYA

34

Nakahanda umano ang pwersa ng pulisya sa paparating na Eleksyon sa susunod na taon kung saan ay gagawin muli ang evaluation sa mga lugar na napabilang sa Areas of Concern noong nakaraang taon.

Sinabi ni PLtCol. Abubakar Mangelen Jr, Chief ng Regional Information Officer ng PNP Region 1, nagbaba na umano ng kautusan ang PNP Chief na hagilapin ang mga “Gun For Hire” group sa iba’t ibang Rehiyon ng bansa upang malaman ng mga ito ang gagawing aksyon.

Dagdag pa nito na kailangang i-trace ang mga ito kung sakaling active pa ba o may presensya pa ang mga ito dahil sa may posibilidad na maging aktibo muli sila dahil sa panahon ng eleksyon ay marami ang balita na ganitong gawain.


Tinukoy din nito ang pagbaba ng kautusan ay upang maibsan ang pagsasagawa ng mga ito ng masamang plano o gawain sa darating na eleksyon.

Tutukan din umano nila ang mga pulitiko na sangkot dito upang makamtam ang HOPE o ang Honest, Orderly, Peaceful Election.

Facebook Comments