Maagang pahayag ni Pangulong Duterte ng pagpardon sa mga sangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa, hind nararapat

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na hindi dapat magbigay na anumang statement si Pangulong Rodrigo Duterte na maaring maka-impluwensya sa magiging hatol ng korte sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
 
Ang tinutukoy ni Hontiveros ay ang pahayag ni Pangulong Duterte na pagkakalooban ng pardon ang mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG region 8 na sangkot sa pagpatay kay Espinosa.
 
Magugunitang si Mayor Espinosa ay binaril at nasawi matapos umanong manlaban ng silbihan ng search warrant ng mga tauhan ng CIDG region 8 noong noong November 5 habang nakaditine sa Baybay Sub Provincial jail.
 
Sabi ni Hontiveros tila pinapangunahan agad ni Pangulong Duterte ang magiging resulta ng kaso laban sa mga akusadong pulis.
 
Ang nabanggit na pahayag din aniya ay nagbibigay ng free pass sa ibang nakagawa ng paglabag sa batas para sila ay makaligtas sa kaparusahan.


Facebook Comments