Maagang pamasko ipinagkaloob sa mga bilanggo ng Maguincial Provincial Jail

14

Nakabiyabiya ng maagang pamaskong handog ang mga inmates ng Maguindanao Provicial Jail sa isinagawang Medical and Dental Mission ng Peoples Medical Team ng Provincial Government.
Kabilang sa ipinagkaloob sa mga nakadetain sa MPJ ang libreng check- up, gamut, bunot ng ngipin at regalong hygine kit na kinabibilangan ng sabon panligo, panlaba, toothpaste, tooth brush , face towel at tuwalya.
Layun ng aktibidad ay upang ipadama sa mga bilanggo na kabilang pa rin sila sa komunidad at may karapatan pa rin para sa serbisyo ng gobyerno sa direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ayon pa kay Lynette Estandarte, Head ng Peoples Medical Team .
Lubos naman ang kagalakan ng mga inmates sa medical services na kanilang na avail mula sa Provincial Government.

Facebook Comments