Maagang pangangampanya ng ilang politiko, dapat idulog sa COMELEC – Casiple

Naniniwala ang political analyst na si Mon Casiple na walang mangyayari sa mga pagpuna at patutsada laban sa umano’y maagang pangangampanya ni Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio kung hindi ito dadalhin sa tamang lugar.

Ayon kay Casiple, madaling makalusot sa alegasyong early campaigning lalo na’t election season na.

Kung nais na mapigilan ang maagang pangangampanya, kailangan aniyang maghain ng reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) o sa Department of the Interior And Local Government (DILG) para ito ay maaksyunan.


Matatandaan Si Mayor Sara ay bumisita kamakailan sa Cebu at Zamboanga City at nakipagpulong din kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Facebook Comments