Maaliwalas na panahon, asahan ngayong araw

26

Magandang panahon para gumimik ngayong Biyernes!

Patuloy pa ring umiiral ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa.

Bunsod ng easterlies, asahan ang mainit at maalinsangang panahon lalo na sa Visayas at Mindanao maliban sa mga isolated thunderstorms o biglaang pag-ulan.

Sa dulong hilagang Luzon, nakararanas pa rin ng malamig na panahon dahil sa hanging amihan.

Maaliwalas ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.

Facebook Comments