MAARING MAKASUHAN | Dating BOC Commissioner Isidro Lapeña, posibleng kasuhan ng accesory kung hindi bumaligtad sa kanyang testimonya

54

Manila, Philippines – Naniniwala si BOC Deputy Colector for Passenger Concerns Atty. Lourdes Mangaong na posibleng makasuhan ng accesory si dating BOC Commissioner Isidro Lapeña kung hindi siya bumaliktad at sabihing posibleng mayroon ng laman ang magnetic lifter na nakumpiska sa Cavite.

Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni Atty. Mangaong ang personal niyang na naramdaman ng isalang siya sa imbestigasyon sa Kamara ay nainis dahil hindi siya nagboluntaryo para lamang sumawsaw sa mga kontrobersyal na usapin kundi inimbitahan siya bilang resource person.

Paliwanag ni Mangaong nagulat siya kung bakit ang mga Kongresista ay galit sa kanya kung saan naniniwala siya na bahagi umano ito ng demolistion job na galing kay dating BOC Commissioner Isidro Lapeña.

Dagdag pa nito napawi ang kanyang galit dahil maraming mga nagtext sa kanya na ang mga feedback sa Social Media ay galit sa mga Kongresista dahil mistulang ipinagtatanggol pa nila ang mga drug lords.

Nilinaw ni Mangaong na ang x-ray message ay public image na dapat ay public documents na available ng kahit sinong indibidwal na nagnanais na humingi ng kopya sa resulta ng xray image.

Facebook Comments