Maayos na paglalatag ng kampanya laban sa iligal na droga ng PNP, isa sa mga gustong gawin ni AFP chief General Año sa pag-upo bilang DILG secretary

22

Manila, Philippines – Nais ipa-review ni incoming DILG Secretary Eduardo Año ang kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.

Sa isang ambush interview sa Kampo Aguinaldo sa katatapos na closing ceremony ng Balikatan Exercises 2017, sinabi ni Año na mahalagang mas maging maayos ang paglalatag ng war on drugs ng PNP dahil mahalaga na maiangat ang imahe ng organisasyon.

Kailangan aniyang maibalik ang mataas na morale ng mga pulis.

Nilinaw naman ni ano na ang PDEA pa rin ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na nangunguna ngayon sa anti-illegal drugs operations at suporta lamang ang PNP.

Pero, binigyang diin ni Año na dapat ay sabay na ipatupad ang pagpigil sa transaksyon o bentahan ng iligal na droga sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments