MAAYOS NA PAGPAPATUPAD NG FLOOD CONTROL PROJECTS SA BINALONAN, IGINIIT

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Binalonan ang maayos na paggamit ng pondo sa pagpapatupad ng mga flood control projects sa bayan.

Nagbunga umano ang naturang kalakaran kaya hindi na naulit muli ang malawakang pagbaha sa bayan noong 2018 kung saan halos abot baywang ang baha sa mga komunidad dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Kamakailan, umani ng komento online ang listahan ng mga bayan mula 2022 hanggang 2025 kung saan nanguna ang Binalonan sa may pinakamataas na alokasyon para sa flood control na nasa higit P1.3 billion na sinusundan ng Alaminos City na may higit P1.1 billion at San Carlos City na may alokasyong higit P938 Million.

Nanguna rin sa listahan ang unang distrito, sinusundan ng ika-anim na distrito at ikatlong distrito sa mga lugar na gumastos ng Malaki para sa flood control na umabot ang kabuuang halaga sa higit P13 billion sa buong Pangasinan.

Kaugnay nito, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang kaukulang inspeksyon sa mga flood control sa Binalonan partikular sa mga lugar na dinadaluyan ng Tagamusing River. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments