Mababang bilang ng mga bumoto sa partylist noong eleksyon, ikinalungkot ng COMELEC; pag-amyenda sa mga batas hinggil sa partylist group, napapanahon na!

674

Mababa ang naitalang bilang ng mga bumoto para sa mga partylist sa kakatapos lang na eleksyon.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, nakakalungkot na kumokonti na ang bumoboto sa partylist.

Aniya, posibleng nakaligtaan ng mga botante na nasa likod ang partylist o sadyang wala nang interes ang publiko sa pagboto sa mga ito.


Kaugnay nito, iginiit ni Garcia na ito na ang magandang pagkakataon para masilip ang tunay na kahalagahan ng partylist sa kongreso.

Facebook Comments