MABABANG PRODUKSYON NG ITLOG, NARARANASAN SA DAGUPAN CITY

Ilang mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan ang nakararanas ng limitadong suplay ng itlog partikular sa Malimgas Public Market.
Ito ay bunga ng kakulangan ng suplay nito sa mga nagdaang araw at paglilimita rin ng mga supplier mula Tarlac.
Nasa P8.50 hanggang P8.90 ang kada piraso ng medium size na itlog sa ilang pamilihan ng lungsod.

Mabenta na rin sa mga mamimili ang kahit mga basag at reject na itlog sa halagang P4 hanggang P6.
Samantala, isa namang nakikitang dahil sa kakulangan ng suplay ng itlog ay ang nararanasan pa ring epekto ng bird flu ng ilang bahagi sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments