Mabagal na pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, binanatan ng Senado

16

Manila, Philippines – Binanatan ng Senado ang mabagal na pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kina Supt. Marvin Marcos at mga tauhan ng CIDG-8 dahil sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

 

Inadopt na kasi ng senate ang committee report nina Senators Panfilo Lacson at Richard Gordon tungkol sa resulta ng imbestigasyon sa nasabing kaso.

 

Dahil dito, sinabi ni Senator Tito Sotto na isusumite na nila ang mga rekomendasyon ng senate report sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Justice at Philippine National Police-Internal Affairs Service

 

Si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang nagmungkahi na kondenahin ang kabagalan ng proseso dahil mahigit dalawang buwan na ang lumipas mula nang imbestigahan ng DOJ at PNP-IAS ang mga kaso.

 

Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na resolusyon ang DOJ tungkol sa kasong multiple murder na inihain ng NBI laban kina Marcos.

Facebook Comments