MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO, NARANASAN SA DAGUPAN CITY

Naranasan sa lungsod ng Dagupan ang mas mabigat na daloy ng trapiko kasunod ng pagdaos ng Long Weekend.
Kumpara bago pa mag-umpisa ang long weekend, mas dumami ang naglabasang mga pribado at pampublikong sasakyan ngayon kasunod ng pakikilahok sa BSKE, Undas maging ang pamamasyal ng mga tao para sulitin ang mahaba-habang weekend.
Bunsod nito ang mas bumigat na daloy ng trapiko dagdag pa ang kasalukuyang konstruksyon ng road projects sa ilang mga pangunahing kakalsadahan sa lungsod.

Samantala, sa ngayon ay epektibo pa rin ang one way traffic scheme na ipinatupad ng POSO Dagupan upang bigyan daan ang konstruksyon ng mga road projects at maaari nang i-lift sa pagtatapos nito. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments