Nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko ang ilan sa bayan sa Pangasinan na dinayo nitong linggo ng gabi kasabay ng pagbabalik ng mga bumisitang turista nitong Holy week.
Sa huling tala ng Pangasinan PDRRMO kagabi, April 20, 2025, nakaranas ng heavy traffic ang bahagi ng Sual, Binmaley, Manaoag, at Mangaldan bandang alas sais ng gabi.
Moderate-heavy traffic naman ang naranasan sa bahagi ng Mangatarem, Bayambang, San Fabian, San Carlos City, Urdaneta City, at Dagupan City.
Patuloy naman ang pag-antabay ng mga awtoridad na nagbabantay sa mga bahagi ng bus terminals at mga enforcers sa kakalsadahan lalo at inaasahan pa ang dagsa ng mga biyaherong uuwi ngayong araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments