Mabilis na internet sa mga land transport terminal, tiniyak

32

Matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging batas, binubuo na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Republic Act 11311.

Sa ilalim ng Republic Act 11311, lahat ng land transport terminal kabilang ang mga roro terminal ay kailangang magkaroon ng malinis na CR at libreng Wi-Fi.


Sa interview ng RMN Manila kay DICT Secretary Eliseo Rio, tiniyak nito ang mabilis na internet connectivity sa mga transport terminal.

Paglilinaw ni Rio, ang DICT ang sasalo sa gastusin sa libre Wi-Fi at hindi ang mga transport operator.

Kukunin aniya ang pondo mula sa mga ibinabayad ng tatlong major telcos sa bansa.

Facebook Comments

From Advertisers