MABUBULOK? | Metro Manila, ituturing na ‘dead city’ sa loob ng 25 taon – P-Duterte

88

Manila, Philippines – Posibleng maging isang ‘Dead City’ na ang Manila sa susunod na dalawampu’t limang taon.
Sa kanyang talumpati sa Pampanga, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na unti-unti nang mabubulok ang siyudad at wala na ring paraan para maisaayo pa ang Maynila.
Aniya, hindi na rin maganda ang Manila sa pagtatayo ng mga industriya sa susunod na taon.
Sakali aniyang isailalim sa rehabilitasyon ang Maynila, kinakailangan aniyang alisin muna ang mga tao at ilipat sa mga kalapit na probinsya.
Dagdag pa ng pangulo, kung ire-rehabilitate ang Manila, dapat gayahin ang Clark, Pampanga na may maayos na plano.

Facebook Comments