MABUSISING IMBESTIGASYON SA KASO NG BATANG BABAE, PATULOY NA UMUUSAD

Nagpapatuloy pa ang pag-usad ng imbestigasyon ng hanay ng kapulisan sa Pangasinan pagkatapos ng agarang pagkakadakip sa dalawang suspek na nasa likod ng pagkasawi ng batang babae na natagpuan sa Dagupan City.
Matatandaan na natunton at naaresto ang dalawa sa Sison, Pangasinan.
Nauna nang tiniyak ni Dagupan City Police Station Officer-In-Charge, PLtCol. Lawrence Calub na ipapataw ang nararapat na kaparusahan sa dalawa at pananagutin sa batas.
Binigyang-diin din naman ni Pangasinan Police Provincial Office Officer-in-Charge PCol. Arbel Mercullo ang kahalagahan ng kooperasyon ng komunidad sa paggulong ng kaso, kung saan sakaling may mga nalalamang impormasyon na maaaring makatulong ay mangyari lamang ipagbigay-alam sa awtoridad.
Samantala, nanindigan ang kapulisan sa maagap at masusing pagsisiyasat upang mabigyan ng hustisya ang biktima at pamilya nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments