Mactan Airport, balik-operasyon na sa mga domestic flights ngayong araw

Inanunsyo ng pamunuan ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) na balik-operasyon na sila para sa mga domestic flights ngayong araw, December 19, 2021.

Sa inilabas nilang abiso, magsisimula ang kanilang pagtanggap ng limitadong domestic flights simula 9 ng umaga.

Hindi naman idinetalye ng Mactan Airport kung kailan babalik ang international flights.


Habang ang mga flights para sa cargo, emergency, humanitarian at military ay papayagang makalapag sa paliparan upang masiguro ang tuluy-tuloy na pagdating ng relief assistance.

Batid na suspendido ang lahat ng operasyon ng Mactan Cebu International Airport bunsod ng iniwang pinsala ni Bagyong Odette.

Facebook Comments