Mactan Cebu International Airport, nag-uwi ng dalawang parangal sa 2019 World Architecture Festival

35

Nag-uwi ng dalawang award ang Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa 2019 World Architecture Festival.

Napanalunan ng MCIA Terminal 2 ang completed Buildings: Transport Category.


Nahigitan nito ang ibang nominado tulad ng Jewel Changi Airport ng Singapore, at Istanbul Airport ng Turkey.

Itinuturing ang MCIA bilang “simple at elegant” na paliparan.

Ang festival ay mayroong 148 judges na kumakatawan sa higit 68 bansa.

Ang terminal ay idinisenyop ng Multi-Awarded Firm Integrated Design Associated Hong Kong at ang Principal Architect, Winston Shu, sa pakikipagtulungan sa mga Pilipinong Designers.

Facebook Comments