Mag-ama, kalaboso matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang Anti-Drug Operation saTaguig

57

Manila, Philippines – Kinilala ang mga arestado na sina Kabundo Lampay,
alyas Bons, 52 taong gulang; at Basher Lampay, alyas Basher, 25 taong
gulang.

Nagsagawa ng joint anti-illegal drugs buy bust operations ang mga operatiba
ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police at PCP 2 sa
pangunguna nina PO2 Stephen Robles at PO1 Gerald Cordova sabahay ng mga
suspek sa bahagi ng MLQ St., Purok 3, New Lower Bicutan, Taguig City.

Isa sa mga pulis na umaktong bibili ng droga at nang magpositibo ay dito na
hinuli ang mga suspek.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at
ang five hundred peso bill nanagsilbing marked money.

Facebook Comments