Mag-ama sa bayan ng Alicia, Isabela – sinampahan ng patong patong na kaso

Alicia, Isabela – Sinampahan ng patong patong na kaso na kinabibilangan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o Illegal Possession of Fire Arms and Ammunition ang mag-amang Reynaldo Murillo 59 anyos; at Remilson Murillo, 28 anyos, pawang residente ng purok kuwatro Sta. Cruz, Alicia, Isabela, makaraang makuha sa kanilang tahanan ang iba’t ibang uri ng baril at iligal na droga.

Armado ng search warrant na ipinalabas ni honorable judge Raul Babaran ng RTC branch 19 Cauayan City, hinalughog ng magkasanib na puwersa ng PNP Alicia Drug Enforcement Unit 3rd manuever platoon ng Isabela Provincial Public Safety Company ang tahanan ng mag-amang Murillo.

Narekober ang isang piraso ng calibre korentay singko na baril na may dalawamput tatlong bala, dalawang magazine namay tig-pitong bala, isang piraso ng calibre trentay otso nabaril na may apat na bala, tatlong plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang piraso ng Granada, at apat na drivers license na na may ibat ibang pangalan.
Nakuha ang granada at driver’s license sa sasakyan ng mag-ama na isang Mitsubishi montero na may plakang PQU 424.


Facebook Comments