Mag-amang Duterte, nanguna sa survey ng OCTA para sa pagka-presidente at bise presidente

367

Nanguna sina Davao City Mayor Sara Duterte at ama nitong Pangulong Rodrigo Duterte sa survey para sa pagka-presidente at bise-presidente sa susunod na eleksyon.

Batay sa survey ng OCTA’s Tugon ng Masa National na isinagawa nitong Hulyo 12 hanggang 18, lumabas na 28 percent ng mga sumagot na Pilipino ang sumuporta kay Mayor Sara para sa posibleng pagtakbo sa pagkapangulo.


Sinundan ito nina; dating Senator Ferdinand “Bong Bong” Marcos na mayroong 13%; Manila Mayor Isko Moreno na may 11%; at Senators Grace Poe at Manny Pacquiao na pawang may 10% kada isa.

Nagresulta naman ang survey ng 18% na mga Pilipino na sumuporta kay Pangulong Duterte para sa pagkabise-presidente.

Sumunod kay Pangulong Duterte si; Moreno na mayroong 11%, Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na mayroong 10%, Poe na mayroong 10%, at Marcos na may 9%.

Facebook Comments