Mag-asawa, arestado matapos mahulihan ng mahigit 800 gramo ng shabu sa Bustos, Bulacan

85

Manila, Philippines – Arestado ang mag-asawa matapos mahulihan ng mahigit 800 na gramo ng shabu sa Bustos, Bulacan.

 

Kinilala ang mga nadakpi na sin Danilo at Teresita Leonardo, na isang linggo din minanmanan ng mga pulis.

 

Tinatayang nasa 3 milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek sa ikinasang anti-illegal drug operatrion sa barangay Bunga Mayor.

 

Sinasabing kahirapan ang nagtulak sa mga suspek para magbenta ng iligal na droga kung saan hindi naman nila alam kung sino ang kanilang supplier na kanila lamang nakaka-transaction sa cellphone.



Facebook Comments