Mag-asawa arestado matapos makuhaan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa Lanao Del Sur

165

Arestado ang mag-asawa sa ikinasang buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Group sa Barangay West KilikiliWao, Lanao del Sur kahapon ng hapon.

Sa ulat ni PNP Spokeperson Brigadier General Idelbrandi Usana, kinilala ang nahuling mag-asawa na sina; Busran Saripada Busran alyas Commmanded Manong, 64-anyos at Monira Alipap Ampatua 46-anyos.


Katuwang ng PDEG sa ikinasang operasyon ang mga tauhan Wao Municipal Police Station at 1st Provincial Mobile Force Company ng LanaoDel Sur Police Provincial Office.

Nakuha sa mag-asawa ang isang kilo ng shabu na may estimated Dangerous Drugs Board Price na P6.8 milyong piso.

Nakatakda namang iharap sa prosecutor ang naarestong mag-asawa para sa inquest proccedings dahil sa paglabag sa kasong RA 9165.

Samantala, dalawang marijuana farms din ang nadiskubre ng PNP Cordillera sa Bakun Benguet kahapon sa Sitio Lepsik at Sitio Mabilig sa Kayapa Bakun town.




Narekober ito ng mga tauhan ng Bakun Municipal Police Station kung saan aabot sa kabuuang 1,160 fully grown marijuana plants ang nakuha na may halagang P232,000 na agad ring sinunog.

Facebook Comments