Mag-asawa arestado ng PDEA BARMM, 3.4 Million Pesos na Shabu nakumpiska

68

Bumagsak sa kamay ng batas ang mag-asawang pinaniniwalaang tulak droga sa ikinasang operasyon ng PDEA BARMM kasama ang CIDG BAR, PDEA 12, Cotabato City Police at City Drug Enforcement Unit .

Kinilala ang mga naaresto na sina Joharie Adam Talib AKA Alex na sinasabing myembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF base na rin sa ID na narecover mula sa kanya at ang misis nitong si Bai Rahma Kalibu Talib.


Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga ito ang 10 pirasong sachet ng shabu na nagtitimbang ng 500 gramo at may market value na 3.4 Million Pesos. Nakuha rin ang buybust money, passport at IDs.
Ilang buwan ring unver surveillance ang mga suspek ayon pa sa PDEA.

Isinagawa ang operasyon sa City Plaza mag-aalas 4 kahapon.

Naging saksi rin sa matagumpay na operasyon ng mga otoridad si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani .Pinasalamatan rin nito ang pagsisikap ng PDEA para matuldukan ang problemang hatid ng droga sa syudad.

Sinasabing nagmumula sa isang bayan ng Maguindanao ang mag-asawa at sa syudad lamang napag-usapang magkaabutan ng ipinagbabawal na gamut mula sa mga nagpanggap na buyer na mga elemento ng mga otoridad.
PIC : CM In Action Page

Facebook Comments