Mag-asawa natiklo dahil sa shabu.

Nahulog sa kamay ng PDEA-ARMM ang mag-asawang sangkot sa kalakaran ng droga at nasa watchlist ng kanilang tanggapan makaraang ikasa kahapon alas tres ng hapon ang Search Warrant operation sa kanyang bahay sa Manday mother Barangay Bagua Cot.City.
Kinilala ang mga suspect na sina Bainot at Tahir Kasan 42 anyos na isang negosyante na nagmamaypari Uno Botique.. Nakuha sa kanilang bahay ang limang sachet ng shabu na may timbang na 15 grams na may street value na 75,000 pesos, isang 9mm na baril, mga resibo at bankbook.
Matagal na umanong sinusubaybayan ng mga ahente ng PDEA ang mag-asawa dahil sa sangkot sila sa drug trafficking na nagmula pa sa Manila ang droga na bina-byland patungo sa lungsod.
Silay nakapiit na ngayon sa lock-up cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments