Mag-asawa patay, Driver patay din sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Maguindanao

Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang isa pa makaraang mabiktima ng pamamaril noong sabado pasado ala una ng hapon sa bahagi ng Barangay Macaguiling SultaN Kudarat Maguindanao. Kinilala ang napatay nasi Monaem Kamal 49 anyos, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan mula sa calibre 45 pistol habang sugatan naman si Suharto Madidis 52 anyos at kapwa resident eng nasabing barangay, na tinamaan ng stray bullet sa tiyan. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP, Nag-aabang lamang daw ng pasahero ang biktima ng biglang dumating ang suspect sakay ng motorsiklo at pinagbabaril si Kamal.Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang suspect habang ang dalawa ay naisugod pasa Sanitarium hospital ngunit pumanaw si Kamal. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang inbestigasyon ng kapulisan sa naturang pamamaril inaalam kung anu ang motibo sa krimen.
Samantala , Patay ang mag-asawa matapos itong pagbabarilin noong sabado pasado alas sais ng umaga sa bahagi ng barangay Pagatin 1 Shariff Saydona Mustapha Maguindanao. Kinilala ang mga biktima nasi Abdulla Kahal 45 anyos, at Fatima Kahal 37 anyos, mga dating OFW at residente ng barangay Pamalian na nagtamo ng multiple gunshot wound sa ibat-ibang bahagi ng katawan mula sa calibre 45 pistol base sa narecover sa crime scene. Ayon sa inisyal na inbestigasyon, ng Shariff Saydona PNP, galing umano ang mag asawa sa isang restaurant at pauwi n asana ng kanilang bahay na naglalakad lang, ng biglang nilapitan ng riding in tandem at walang awing pinagbabaril.Matapos ang insedente ay mabilis namang tumakas ang mga suspect.Sa ngayon ay patuloy pa ang inbestigasyon ng kapulisan sa nasabing krimen.

Facebook Comments