Mag-asawa sa Benito Soliven, Isabela, Arestado sa Pang-aabuso ng Bata!

*Benito Soliven, Isabela-* Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” ang mag-asawa matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest bandang alas onse kaninang umaga sa brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Lerwin Ramos Carolino at Mary Grace Cabaldo Carolino, pawang bente sais anyos at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Benito Soliven, dinakip ang mag-asawa dahil sa kanilang kasong paglabag sa RA 7610 na inihain ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 City of Ilagan, Isabela.


Pansamantalang makakalaya ang mga suspek kung makakapaglagak ang mga ito ng kanilang piyansang nagkakahalaga ng walumpung libong piso sa bawat indibidwal.

Facebook Comments