Mag-asawa sa DOS, Maguindanao arestado, Shabu at baril nakumpiska

34

Tiklo ang mag- asawang di umanoy sangkot sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang search warrant operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA ARMM, DOS PNP at militar sa Brgy. Makir, Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Apat na jumbo sachet ng pinaniniwalaang Shabu, KG9 Sub Machine Gun, mga bala , IDs at mga bank documents ang nakumpiska sa mag- asawang kinilala na sina Kutin Angkad Guiamel at misis nitong si Jenny.
Isinagawa ang operasyon pasado alas sais kaninang umaga. Sinasabing matagal ng sinusubaybayan ng mga otoridad ang mga nahuling suspek.
Kasalukuyang nasa lock up clee na ng PDEA ARMM ang mga naaresto at nahaharap na sa patong patong na kaso.

Facebook Comments