Mag-asawa, sugatan matapos bumangga ang sinasakyang van sa concrete barrier sa QC

139

Manila, Philippines – Sugatang isinugod sa Malvar General Hospital ang mag-asawa matapos bumangga ang sinasakyan nilang van sa concrete barrier ng ginagawang MRT-7 sa Commonwealth Avenue Quezon City.

Sa tindi ng pagkakabangga naiwan pa sa nabasag na windshield ang bahid ng dugong lumabas sa mukha ni Mrs. Jasmine Petilos na nakaupo sa passenger side.


Sugatan din ang mister nito na si Vicente Petilos na siyang driver ng nawasak na nissan urvan na wala pang plaka.

Lumalabas na mabilis ang takbo ng van patungo ng Fairview nang tumbukin nito ang hilera ng mga concrete barrier na sa lakas ng impact ay nagtalsikan sa Center Island.

Sa pahayag ng barangay na unang nagresponde sa lugar, amoy alak ang driver ng van na posibleng isa sa dahilan ng nangyaring aksidente.

DZXL558, DK Zarate




Facebook Comments