Mag-asawang Discaya, humirit ng reset sa ICI hearing

Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na humirit ng reset ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa kanilang pagharap sa pagdinig ng ICI.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, pitong araw ang hininging palugit ng mga Discaya para ma-retrieve nito ang ilang dokumento na kanilang isusumite sa Komisyon.

Tumanggi naman si Hosaka na isapublibko kung anong dokumento ang kinakailangang isumite ng mga Discaya sa ICI.

Bunga nito, sa October 15 dakong alas-2:00 ng hapon muling haharap sa ICI hearing ang Discaya couple.

Sa susunod na linggo ay ang ikatlong pagharap ng mga Discaya sa Komisyon.

Facebook Comments